Isa sa mga nakababahalang problemang tinatalakay ng mundo ay ang pagbabago ng klima o tinatawag na climate change. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang hinahagupit ng mga negatibong epekto nito, tulad ng madalas at matinding pagbagyo, pagbabago ng temperatura, pagtaas ng lebel ng tubig, pagbaha, tagtuyot at umiinit na karagatan.
Layunin ng iRiseUP ang mabigyan ang QCitizens ng impormasyon at datos upang maunawaan and climate change at maging handa sa anumang dala ng pagbabago ng klima.
Ang Greenhouse Effect at Lokal na Epekto Nito
Ang greenhouse gases (GHG) ay isa sa mga pangunahing sanhi ng climate change. Ito’y maaaring magmula sa methane na nanggagaling sa mga nabubulok na basura, o sa carbon dioxide na lumalabas sa mga sinusunog na fossil fuels na karaniwang ginagamit sa paglikha ng gasolina o kuryente.
Sa pagdami ng greenhouse gas emissions na bunga ng mga aktibidad ng tao, namumuo ang mga ito sa himpapawid at patuloy na nagpapainit ng klima. Sa halip na makalabas ang rabaw init (surface temperature) sa kalawakan, nananatili ito sa ating atmospera at nagdudulot ng pagtaas ng temperatura sa buong mundo.
Sa Pilipinas, nararamdaman natin ito sa madalas na pagbabago ng lagay ng panahon, na nagiging sanhi ng masasamang epekto sa ating kalusugan, tirahan, kabuhayan, at sa kalikasan.
Pagtaas ng Lebel ng Dagat
Ang epekto ng pagtaas ng GHG emissions ay isa ring malaking banta sa coastal at marine ecosystem sa Pilipinas, bilang isang archipelago na mayroong 822 baybaying munisipalidad, at isa sa mga bansang may pinakamahabang baybaying-dagat sa daigdig.
Ayon sa mga climate scientists ng PAGASA (Philippine Atmosperic, Geophysical and Astronomical Services Administration), tatlong beses na mas mabilis kumpara sa global average and pagtaas ng lebel ng tubig o sea level sa atin bansa.
Dahil dito, inaantalang 70% ng mga munisipalidad na naninirahan malapit sa malawak na karagatan ay nasa malaking panganib. Ang pagtaas ng sea level ay inuugnay ng mga siyentipiko sa mainit na temperatura at pagtunaw ng yelo sa mga polar caps. Ito’y patuloy na nagdudulot ng pagbaha, pagguho ng mga baybayin, at paglikas ng mga coastal communities sa kanilang tirahan.
Lumalakas na Bagyo at Matinding Panahon
Dahil sa patuloy na pag-init ng mundo, mas umiinit din ang mga karagatan, at ito’y nagiging sanhi ng mas maraming singaw ng tubig sa atmospera. Ito’y nagduduloy ng mas malalakas at mas madalas na pagbagyo.
Bukod dito, ang pagbabago sa mga pattern ng panahon dahil sa climate change ay maaari ring magdulot ng pagbabago sa mga ruta at intensity ng mga bagyong nararanasan natin. Kaya, habang tumitindi ang climate change, inaasahan din na lalakas at dadalas ang mga bagyo, maging ang mga pinsalang dala nito.
Mga Hamon sa Agrikultura
Ang matinding tagtuyot at pagbabaha na sanhi ng climate change ay ang mga pangunahing dahilan ng pagkasira ng mga pananim.
Kabilang sa mga negatibong epekto ng climate change sa agrikultura ay ang pagkalat ng mga sakit at peste na nakakaapekto sa mga hayop at halaman, erosion o pagbaba ng kalidad ng lupa, at ang mga malawakang pagbabago sa mga rehiyon na nakakakaapekto sa produksyon ng pagkain maging sa kabuhayan ng mga magsasakang Pilipino.
Mga Isyu sa Kalidad ng Hangin
Ang pagtaas ng temperatura ay nagdudulot ng smog at masamang kalidad ng hangin, lalo na sa mga urban areas sa bansa. Dumarami rin ang ating air pollutants dahil sa mabilis na chemical reactions sa ating atmospera, at ito’y nagdudulot ng mga problema sa kalusugan tulad ng hika at sakit sa puso.
I RISE UP
Bilang tugon sa mga hamong ito, inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang iRiseUP–isang programang nagbibigay kapangyarihan sa komunidad sa pamamagitan ng makabagong mga teknolohiya at aplikasyon para sa lokal na paghahanda laban sa mga panganib, sakuna at kamalayan sa pagbabago ng klima.
Paano Makilahok
Palakasin ang iyong sarili at ang iyong komunidad sa pamamagitan ng pag-download ng IRISEUP app mula sa App Store o Google Play. Maging mas handa gamit ang real-time alerts at makibahagi sa sustainable at resilient na kinabukasan ng Pilipinas.
Hindi lamang abstract na konsepto ang climate change; ito ay isang tunay at napapanahong isyu, lalo na sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng mga inisyatibo tulad ng I RISE UP, mas mabuti nating mauunawaan, mapaghahandaan, at mababawasan ang mga epekto ng climate change. Magtulungan tayo sa pagprotekta sa ating magandang bansa at pagsiguro sa mas ligtas na kinabukasan para sa lahat ng Pilipino.